Tila may ilang netizens daw na hindi gustong mapabilang sa nalalapit na pagbabalik ng ‘Goin’ Bulilit’ ang “FPJ’s Batang Quiapo” star na si Renz Joshua Baña, a.k.a. “Baby Giant.”

Sa latest episode kasi ng showbiz-oriented vlog na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” noong Biyernes, Hunyo 21, napag-usapan ng mga host na sina Jobert Sucaldito at Chaps Manansala ang ilang content na ginagawa ni Baby Giant.

“Because this guy is a digital creator din, na napansin….ang content niya e medyo naughty—hindi naman bastos na bastos—pero naughty,” saad ni Jobert.

Segunda naman ni Chaps: “May kaniya-kaniya kasing content ang tao. At ‘yong mga ganyan talaga, medyo bastos talaga siya.”

Teleserye

Pumalit kay Dagul: Baby Giant, pasok sa bagong cast ng ‘Goin’ Bulilit’

“Medyo nao-off ‘yong mga ibang netizen na alam nila na ang content niya e medyo pang-adult tapos bigla kasama siya ng mga bata,” dugtong pa niya.

Pero hindi naman daw masisisi ni Jobert si Baby Giant dahil ang paggawa nito ng gano’ng klaseng content ay bahagi ng trabaho nito. Ang hindi lang umano niya maintindihan ay kung bakit kinuha pa ito ng “Goin’ Bulilit.”

“It’s not his fault kasi siya nagtatrabaho lang naman. [...] If there’s someone to be blamed here, it’s not Giant. It’s ‘Goin’ Bulilit,” sabi ni Jobert.

Matatandaang sa isang ulat ng ABS-CBN News ay opisyal nang ipinakilala si Baby Giant bilang kapalit ng komedyanteng si Romy Pastrana o mas kilala bilang “Dagul.”