Ipinakilala na si “FPJ’s Batang Quiapo” star Renz Joshua Baña, a.k.a. “Baby Giant,” bilang bagong cast ng nalalapit na pagbabalik ng “Goin’ Bulilit.”

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Sabado, Hunyo  22, tila si Baby Giant ang magsisilbing kuya ng mga batang cast ng naturang sketch comedy TV series. 

Siya ang papalit sa komedyanteng si Romy Pastrana o mas kilala bilang “Dagul.”

“Meet Baby Giant, the Kuya Baby joining the cast of the new season of "Goin' Bulilit,’” saad sa ulat.

Teleserye

Umpisa pa lang: Coco at Kim, 'nagkaputukan' na!

Matatandaang nagsimula na ang audition para sa bagong cast ng “Goin’ Bulilit” noon pang Mayo. Nagbigay pa nga ng paalala ang direktor na si Bobot Mortiz para sa mga interesadong sumali. 

MAKI-BALITA: Audition para sa bagong cast ng ‘Goin’ Bulilit,’ bukas na!

MAKI-BALITA: Mas bet ang ‘di marunong umarte: Bobot, may paalala sa mga sasali sa ‘Goin’ Bulilit’

Samantala, kabilang sa mga nakasama sa bagong cast ng show ay ang “It’s Showtime” kids na sina Argus, Kulot, Jaze, Imogen at Kelsey.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime’ kids, pasok sa bagong casts ng ‘Goin’ Bulilit’