Nagbigay ng reaksiyon ang dating senador at vice presidential candidate na si Atty. Kiko Pangilinan patungkol sa naging pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi "armed attack" ang panibagong insidente ng umano'y harassment ng mga sundalong Chinese sa mga sundalong Pilipino noong Hunyo 17, na naging dahilan para maputulan pa ng hinlalaki ang isang miyembro ng Navy at masugatan pa ang marami.

''No, well this was probably a misunderstanding or accident, we are not yet ready to classify this as an armed attack. I don't know kung 'yung mga nakita namin is mga bolo, ax, nothing beyond that,'' saad ni Bersamin.

Ibinahagi naman ni Atty. Kiko ang screenshot ng ABS-CBN News patungkol dito.

Aniya, "Kung totoo na sinabi ito, bakit Malacanang pa nauna dumepensa sa China?? Ano yun, armed itak hindi armed attack? Puede paki explain??"

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Matatandaang nagkaroon ng engkuwentro sa mga sundalong lulan ng Chinese ship at mga miyembro ng Philippine Navy na nakasakay sa vessel habang nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal. Ang miyembro ng Navy na naputulan ng hinlalaki at kaagad namang nagamot at nalapatan ng medical treatment.

Nitong Biyernes, iginiit ni Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino na hindi ito dahilan para isulong ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.