Nagbigay-babala si showbiz columnist Ogie Diaz sa social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan Pamulaklakin na huwag maniniwala kay "Jiro Manio" na nagpapadala ng mensahe sa kaniya para mag-apply ng trabaho.
Ayon kay Ogie, ang "Jiro Manio" na humihingi ng tulong kay Rosmar ay peke. Minsan na rin daw siyang hiningan ng tulong ng taong nagpapanggap na Jiro subalit hindi siya nagpatianod dito. Personal daw niyang tinanong ang tunay na Jiro kaugnay rito, at sinabi nitong hindi raw siya ang nakikipag-usap kay Rosmar.
"Rosmar, fake account po yung kausap nyong Jiro Manio. Kung sino sino po ang tsina-chat niyan. Baka mabudol ka. Kausap ko yung totoo, and through us, pakisabi na hindi raw siya yon. Okay ang tumulong, pero wag sa nagpapanggap na nangangailangan," warning ni Ogie.
"Nag-message na rin sa akin si Fake Jiro, pero dinedma ko, dahil feeling ko, hindi siya. Kung saan nandun ang iyong resort, yun ang bigyan mo po ng trabaho para tulong na din sa kanila. By the way, wag ka nang umasa ng public apology sa Fake Jiro. Baka fake din ang paghingi ng sorry. ð"
Matatandaang kamakailan lamang ay muling napag-usapan si Jiro matapos ibenta ang kaniyang Urian trophy kay Boss Toyo.
MAKI-BALITA: Jiro Manio no choice na, ibinenta Urian trophy dahil sa hirap ng buhay
Kamakailan, inamin ni Ai Ai Delas Alas na kaya gusto rin niyang i-push ang "Tanging Ina" reunion movie ay para magkaroon ng pelikula o raket ang mahusay na aktor.
MAKI-BALITA: Ngitngit ni Ai Ai sa Star Cinema: âPinagkakitaan nâyo naman ako dati!â