Patuloy pa ring naaapektuhan ng southwest monsoon o habagat ang malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Hunyo 21.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms Quezon, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao dulot ng habagat.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Metro Manila, mga natitirang bahagi ng CALABARZON, Zambales, at Bataan bunsod pa rin ng habagat.

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din ang posibleng maranasan sa mga natitirang bahagi ng Luzon dahil naman ng localized thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).