Nagpahayag ng suporta at pagmamalaki ang aktor na Ian Veneracion para sa kaniyang anak na nag-come out bilang bahagi ng LGBTQIA+ community.

Tampok sa isang lifestyle magazine para sa Pride Month, sinabi ni Ian na proud daddy siya sa kaniyang anak na lesbian.

"Seriously, let’s all just cut the bullshit. People should be honored and respected for their compassion, courage, and integrity—not for the choices they make in the privacy of their bedrooms. Proud of my daughter for embodying these values. Who she loves is her business.-Proud Daddy," aniya.

Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony

Marami naman sa mga netizen ang natuwa sa suportang ipinakita ni Ian para sa kaniyang anak, anuman ang sexual preference nito.

"Thank you Ian for this! So proud of you and your beautiful daughter!"

"Judge your own self not others!"

"regardless of gender, it doesnt matter, i can only say you are good and respectful father and dids is a good daughter❤️ as a parent you raised your children well."

Sa panayam ni Karen Davila kay Ian sa kaniyang vlog noong Hunyo 2022, sinabi niyang hindi naging mahirap para sa kaniya ang pagtanggap sa tunay na kasarian ni "Dids" na kaniyang anak.

"Sabi ko sa kaniya, ‘Never ever be apologetic about your preferences. Even with me, don’t apologize.’ It has nothing to do with intelligence, it has nothing to do with sense of integrity; has nothing to do with anything actually. It’s just preference,” sabi ni Ian.

Bata pa lang umano si Dids, nakita na ni Ian ang mga senyales ukol sa tunay na kasarian ng anak.

“Sobrang athletic niya. Brusko talaga siya. She enjoys running, wrestling, football, stuff like that,” pagbabahagi ni Ian.

“Actually, I was praying. Kasi takot ako ‘pag niligawan ‘tong anak ko ta’s baka lokohin, baka saktan ‘to,” dagdag niya.

Sunod din na ikinuwento ni Ian dati niya pang hangad na maging lesbian si Dids.

MAKI-BALITA: Ian Veneracion, bakit ipinagdasal na maging tomboy ang anak?