Pinaalalahanan ni Pope Francis ang mga paring Katoliko na paikliin sa walong minuto ang kanilang mga homiliya para hindi raw makatulog ang mga taong nakikinig.

Sinabi ito ng pope habang nagsasalita sa St. Peter’s Square para sa kaniyang Wednesday catechesis noong Hunyo 12 na inulat ng Catholic News Agency.

Ayon kay Pope Francis, ang layunin ng homiliya ay tulungang bigyang-buhay ang mga salita ng Diyos mula sa Bibliya.

“But the homily for this must be short: an image, a thought, a feeling. The homily should not go beyond eight minutes because after that time you lose attention and people fall asleep,” ani Pope.

National

VP Sara, humingi ng pasensya sa mga ‘nai-stress’ sa kaniyang sitwasyon

Dagdag pa ng ulat, hindi ito ang unang pagkakataong inihayag ng pope ang kahalagahan ng maikling holiya.

Noong 2018, hinikayat niya ang mga paring paikliin ang kaniyang sermon sa misa ang hindi lalagpas sa 10 minuto.