Nag-react ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno sa naging pag-inom ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa wine glass ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sa isang X post nitong Biyernes, Hunyo 14, ibinahagi ni Diokno ang video clip ng naturang pag-inom ni FL Liza sa hawak na wine glass ni Escudero sa ginanap na Vin d’Honneur sa Malacañang para sa Araw ng Kalayaan noong Miyerkules, Hunyo 12.

Pagdating naman sa dulong bahagi ng video ni Diokno ay makikita ang paghigop niya ng kape kasama ang TikTok personality na si Dr. Carlo Trinidad.

National

Pag-inom ni FL Liza sa wine glass ni SP Chiz, usap-usapan

Nyare dun? Ah basta! Mas masarap yung kape namin ni Doc @hellokidneyMD ,” saad ni Diokno sa kaniyang post.

Matatandaan namang matapos mag-viral ng video ay naglabas ng pahayag si Escudero at sinabing naging maginoo lamang daw siya nang mangyari ang pag-inom ng unang ginang sa kaniyang wine glass.

https://balita.net.ph/2024/06/13/sp-chiz-nagsalita-na-sa-viral-na-pag-inom-ni-fl-liza-sa-wine-glass-niya/

Samantala, nito lamang ding Biyernes ay nagbigay naman ng paliwanag si FL Liza tungkol sa nangyari.

https://balita.net.ph/2024/06/14/fl-liza-nagpaliwanag-sa-naging-pag-inom-niya-sa-wine-glass-ni-sp-chiz/