Viral ang post ng isang netizen na nagngangalang Yin Mendoza matapos niyang ikuwento ang pagtulong niya sa mag-amang natagpuan niya umano sa MetroPlaza Bagong Silang sa Caloocan.

Ayon sa Facebook post ni Yin kamakailan, habang naghihintay daw sila ng pamangkin niya ng order sa isang fast food chain ay bigla raw lumapit ang tatay ng bata para magpabili umano ng pagkain sa anak nito.

“Dumating na ‘yong order namin, at bumalik ako sa cashier para orderan naman sila. Nong feel kong aalis na sila, nilapitan ko sila at sinabi ko: ‘wait lang, Tay. Inorderan ko pa kayo.’ After a few minutes, inabot ko na kay Tatay at sa anak niya ‘yong inorder ko sabay sabing ‘Tay, kain na po kayo,’” kuwento ni Yin.

Pagkatapos daw ni Yin iabot ang pagkain, inalok naman daw siya ng tatay ng bata na bilhin ang martilyong hawak nito para may ipangtustos sila kinabukasan. Pero kahit may martilyo naman daw sina Yin sa bahay nila, binili pa rin umano niya ito.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

“Mas inisip ko ‘yong sinabi nya na para naman sa bukas nila. Tinanong ko kung magkano rin ‘yon, at binili ko na rin,” saad ni Yin.

Dagdag pa niya: “Pagkatapos kong tanungin si Tatay kung tagasaan siya at sinabihan ko ‘yong batang babae na kumain na siya, umalis na rin kami ng pamangkin ko. Until now, I still vividly remember ‘yong ngiti no’ng bata pagkaabot ko ng Jollibee.”

Sa ngayon, aminado si Yin na mayro’n siyang kinakaharap na financial struggle. Pero may mga pagkakataong may lalapit pa rin para humingi ng tulong kahit ang tulad niya ay wala rin sa maayos na sitwasyon ang buhay. Pero sa kabila ng lahat, pinili pa rin niyang tumulong.

Dahil ayon sa kaniya: “I shared and helped dahil alam ko ‘yong sitwasyon na ‘di mo alam kung paano at saan ka kukuha para makapag-provide ka sa mahal mo sa buhay.”

Kaya paalala niya: “Subukan pa ring tumulong kasi minsan ka ring nangailangan at may taong tumulong sa ’yo.”

Dahil sa nakakaantig na tagpong ito, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang kuwento ni Yin. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang sarap sa feeling nyan gnyang story ang mka tulong sa kapwa mo always Be kind to other people,s god bless🙏"

"Mam tago m ung martilyo baka swerte and dala sau nyan.. 🙏☝️👍"

"Humanity still exist🫶 Godbless you🙏🏻♥️"

"Nice one idol, walang alinlangan Basta makatulong, kahit ano paman Ang dahilan, salute Sayo idol, 👍♥️"

“Wow nice lods,. Marami matutunan Yong share mo na nangyari,.. God bless always,.. more blessings babalik sayo 😊❤️💖”

"Ugaliin natin tumulong lalo at may kakayahan tayo. Maniwala ka, mas higit ang babalik na blessings sayo."

"thats an extraordinary, kasi kahit wala ka ,nagawa mo pang tumulong"

Pero may ilan ding nagkomento para ibahagi ang hindi nila magandang karanasan sa pagtulong sa ibang nangangailangan.

“Madami pa ako na natulungan kaso halos lahat manloloko ng kapwa….Minsan may matanda na mang lilimos pamasahe lang daw nya pauwi... Nung binigyan ko ng pamasahe umalis na sya!!!” komento ng isang netizen.

Pagpapatuloy pa niya: ”Kinabukasan nung napadaan ako sa location na yun nandun na naman yung matanda at ng hihingi ng pamasahe!!”

Pero ayon kay Yin: “That’s the sad part pero iisipin nalang naten swerte parin tayo kasi di tayo yung nasa sitwasyon nilang kailangan pang gawin yun at sa lahat ng mga natutulungan naten meron at meron padin tong totoo at masayang natulungan natin. 🙂”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Yin, kasalukuyan daw siyang email reviewer sa isang bangko. At tila ang maagap niyang pagkamulat sa hirap ng buhay ang nag-uudyok sa kaniya na tumulong sa kapuwa.

“Siguro, mas maaga ko ring nakita ‘yong hirap ng buhay. ‘Di kami mayaman, pero ‘di rin sa walang-wala. Sakto lang na nairaraos ang buhay,” saad niya.

“Being the breadwinner sa pamilya, napakahirap magsustento lalo na sa case ko na ‘di ako financially stable pa,” dugtong pa niya.

Gayunman, naniniwala raw si Yin na matatapos din ang mga problema at pagsubok na pinagdadaanan niya sa buhay.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 64k reactions at 2.3k shares ang naturang post ni Yin.