Sa unang pagkakataon, nagsalita si Vice President Sara Duterte hinggil sa kasalukuyang estado ng “UniTeam.”
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules, Hunyo 12, sinabi ni Duterte na binuo ang tandem nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na UniTeam para lamang noong 2022 national elections.
“Ang UniTeam was a tandem during the 2022 elections, tandem of Bongbong-Sara during the 2022 elections,” ani Duterte.
Ayon pa sa bise presidente, nanalo na sila noong eleksyon at nagpapasalamat daw sila sa kanilang mga tagasuporta.
Kaugnay nito, nang tanungin kung ano na ba ang estado ngayon ng UniTeam, sagot ni Duterte: “We are not candidates anymore.”
Matatandaang muling naging usap-usapan kamakailan ang tila pagkabuwag umano ng UniTeam matapos patutsadahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos si Duterte, at sinabing “bad shot” na ito sa kaniya dahil nakita raw niya itong tumatawa habang sinasabihan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si PBBM na “bangag.”
Sinagot naman ito ni VP Duterte, at aniya, karapatan naman ni FL Liza ang “makaramdam ng sama ng loob at galit” bilang isang tao, ngunit wala raw itong kinalaman sa kaniyang pagiging opisyal ng pamahalaan.
https://balita.net.ph/2024/04/22/vp-sara-sinagot-naging-tirada-sa-kaniya-ni-fl-liza/
Matapos ito, ipinahayag naman ni PBBM na hindi raw maaapektuhan ng naging tirada ng kaniyang asawa ang working relationship nila ng bise presidente.
https://balita.net.ph/2024/04/23/relasyon-ni-pbbm-at-vp-sara-di-raw-maaapektuhan-ng-naging-tirada-ni-fl-liza-kay-vp/