Nagsalita na si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa viral video ng pag-inom ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa kaniyang wine glass.

Sa ginanap na Vin d’Honneur sa Malacañang para sa Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules, Hunyo 12, makikita ang pakikihalubilo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. at asawang si FL Liza sa dumalong foreign dignitaries at national leaders, kabilang sina Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Habang nakikipag-usap si PBBM kay Romualdez, kinuha ni FL Liza ang wine glass ni Escudero at uminom dito.

Pagkatapos niyang uminom, muling ibinalik ng unang ginang ang wine glass sa pangulo ng Senado saka nakihalubilo sa iba pang guests, habang mapapansin ang pagtawa ni Escudero at inabot ang baso.

National

Pag-inom ni FL Liza sa wine glass ni SP Chiz, usap-usapan

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Hunyo 13, na inulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Escudero na hindi raw kailanman magiging “makaluma” ang “pagiging maginoo at nakikipagkapwa-tao.”

“I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly,” pahayag ni Escudero.

“Maaaring sabihin ng iba na makaluma o parang ‘under’ pero para sa’kin, hindi kailanman magiging makaluma o ‘di uso, ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao,” saad pa niya.

Matatandaang nito lamang Mayo 2024 nang maluklok si Escudero bilang pangulo ng Senado matapos mapatalsik sa pwesto si Senador Migz Zubiri.

https://balita.net.ph/2024/05/20/escudero-nanumpa-na-bilang-bagong-senate-president/

Samantala, sinabi kamakailan ni PBBM na alam niya ang planong palitan ang liderato ng Senado.

“When did I know? The minute…actually it was Senator Chiz the minute he started thinking about it, he already brought it up and he said I think I am going to try to be the SP. ‘What’s my situation and what do you think’,” saad ng pangulo.