Nasa 497 empleyado ng Manila City Hall ang ginawaran ng parangal ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes, bilang bahagi ng selebrasyon para sa ika-153 Araw ng Maynila.

Nabatid na kabilang sa mga tumanggap ng awards ang 263 empleyado na may 25 taon na sa serbisyo; 158 nasa 30 taon sa serbisyo; 52 nasa 35 taon sa serbisyo ; 12 nasa 40 taon sa serbisyo; 11 nasa mahigit 40 taon sa serbisyo at 1 ang may 45 taon sa serbisyo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Pinasalamatan naman ng alkalde ang mga empleyado sa kanilang mga taon at dedikasyon ng paglilingkod sa lungsod ng Maynila pati na sa mga residente.

Umapela rin ang alkalde sa mga  pinarangalang empleyado na magsilbi sana silang inspirasyon sa mga bago at mga nakababatang kasama sa Pamahalaang Lungsod.

Sa mga magreretiro naman ngayong taon at sa mga susunod na taon, sinabi ni Lacuna na "hangad natin ang inyong masayang retirement. Sabi nga nila, goodbye tension, hello pension."

Bukod kay Lacuna, dumalo rin sa "Gawad Pagkilala sa mga Kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila," si Vice Mayor Yul Servo.