Tinawag ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na “self-serving” ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa national government agencies at state universities and colleges (SUC) na i-recite ang “Bagong Pilipinas” hymn at pledge sa kanilang lingguhang flag ceremonies.

Sa isang pahayag nitong Linggo, Hunyo 9, na inulat ng Manila Bulletin, iginiit ni Castro na ang naturang direktiba raw pangulo ay tulad ng nangyaring noong panahon ng ama nitong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan iniutos nitong awitin ang “Bagong Lipunan.”

“His (PBBM) order is reminiscent of Marcos Sr.’s directive then for people to sing praises to the Bagong Lipunan,” ani Castro.

“It is yet another way to deodorize the Marcos name brand and revise history. We should just stick with the Lupang Hinirang and Panatang Makabayan,” dagdag pa niya.

National

PBBM, pinare-recite ‘Bagong Pilipinas’ hymn, pledge sa flag ceremonies

Matatandaang nitong Linggo ng umaga nang ilabas ng Malacañang ang Memorandum Circular (MC) No. 52, kung saan inaatasan ni PBBM ang national government agencies (NGAs) at instrumentalities, kabilang na ang government-owned o -controlled corporations (GOCCs) at educational institutions, na i-recite ang “Bagong Pilipinas” hymn at pledge sa kanilang weekly flag ceremonies.

Layon daw ng nasabing kautusan na higit na maitanim ang prinsipyo ng brand of governance ng “Bagong Pilipinas” sa mga Pilipino.