Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang national government agencies (NGAs) at instrumentalities, kabilang na ang government-owned o -controlled corporations (GOCCs) at educational institutions, na i-recite ang “Bagong Pilipinas” hymn at pledge sa kanilang lingguhang flag ceremonies.

Base sa Memorandum Circular (MC) No. 52, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hunyo 4, 2024, inatasan ng pangulo ang lahat ng pinuno ng NGAs at instrumentalities na tiyaking maayos na ipinakakalat sa kani-kanilang opisina ang Bagong Pilipinas hymn at pledge.

Ang naturang kautusan ay may layunin daw na higit na maitanim ang prinsipyo ng brand of governance ng “Bagong Pilipinas” sa mga Pilipino.

“To further instill the principles of the Bagong Pilipinas brand of governance and leadership among Filipinos, all national government agencies and instrumentalities, including GOCCs and educational institutions, such as SUCs, are hereby directed, and LGUs are hereby encouraged, to integrate the recital of the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge in the conduct of weekly flag ceremonies, subject to existing laws, rules and regulations,” nakasaad sa memorandum circular.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“For this purpose, the heads of all national government agencies and instrumentalities shall ensure that the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge, which are annexed to this Circular, are properly disseminated within their respective institutions and offices,” dagdag nito.

Narito raw ang lyrics ng Bagong Pilipinas Hymn:

Panahon na ng pagbabago

Dahil sa ito ay kinakailangan

Tayo na magtulong-tulong

Na paunlarin ang mahal nating bayan

Panahon na ng pagbabago

Dahil sa ito ay kinakailangan

Tayo na magtulong-tulong

Na paunlarin ang mahal nating bayan

Panahon na ng pagbabago

At iayos ang mga dapat ayusin

Dapat lang maging tungkulin

Ng bawat mamamayan dito sa atin

Gawin ang pagbabago

Patungo sa pag-asenso

Magsikap na mabuti

At nang guminhawa tayo

Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas

Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas

Panahon na ng pagbabago

Tangkilikin natin ang sariling atin

At tama lang na ugaliin

Kaysa sa iba sa atin ang unahin

Panahon na ng pagbabago

At manguna sa kahit anong larangan

Ang tagumpay ay karangalan

Ialay o ihandog natin sa bayanIlang ulit nang napatunayan ng Pilipino

Ang husay at lakas, kagandahan, at talento

Handang makipag paligsahan kahit anong oras

Ang bagong Pilipino, ang Bagong Pilipinas

Panahon na ng pagbabago

Buhay natin ay gawing maaliwalas

Marami ang magandang bukas

Ang ibubunga ng Bagong Pilipinas

Gawin ang pagbabago

Patungo sa pag-asenso

Magsikap na mabuti

At nang guminhawa tayo

Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas

Ang bagong Pilipino at Bagong Pilipinas.

PANAHON NA!

Narito naman ang Bagong Pilipinas pledge:

Bilang Pilipino, buong pagmamalaki kong isasabuhay ang Bagong Pilipinas.

Buhay sa aking dugo ang lahing dakila, magiting at may dangal

Palaging dadalhin sa puso, isip at diwa ang aking pagmamahal sa kultura at bayang sinilangan;

Kaisa ng bawat mamamayan, aalay ko ang aking talino at kasanayan sa pagpapaunlad ng aking Bayan;

Taglay ang galing na naaayon sa mga pandaigdigang pamantayan;

Magiging instrumento ako sa pagsulong ng kagalingan, karunungan at kapayapaan.

Makikiisa at makikilahok ako sa mga adhikain ng pamahalaan dahil ang kaunlaran ay hindi lamang responsibilidad ng iilan.

Isusulong at pangangalagaan ko ang karangalan, kalayaan at interes ng aking bayang minamahal;

Bilang Pilipino na may pagmamahal, pakialam at malasakit;

hindi makasarili kundi para sa mas nakararami;

tatahakin ko ang landas tungo sa isang

Bagong Pilipinas!