Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naging date night nila ng asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa kaniyang opisyal na Facebook page, nag-post si PBBM nitong Sabado, Hunyo 8, ng larawan nila ni FL Liza kung saan kapwa sila nakangiti sa gitna ng kanila raw date.

“Date night,” caption ng pangulo sa kaniyang post.

Taong 1988 nang magkakilala sina PBBM at FL Liza sa New York City noong nag-aaral at nagtatrabaho ang unang ginang bilang isang abogado, ayon sa tala sa website ng pangulo.

National

PBBM, FL Liza nagka-‘quality time’ sa kanilang wedding anniversary

Ikinasal naman sila noong Abril 17, 1993 sa San Francesco Convent sa Fiesole, Italy.

Kaugnay nito, nito lamang Abril nang ibahagi naman ni FL Liza ang sweet na larawan nila ni PBBM sa gitna ng kanilang pagdiriwang ng kanilang 31st wedding anniversary.