Flinex ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang sweet na larawan nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng kanilang pagdiriwang ng kanilang 31st wedding anniversary.

“Spending quality time in celebration of our 31st wedding anniversary ❤️

La Union, Philippines | 21 April 2024,” ani FL Liza sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Abril 21.

Shinare naman ni PBBM ang naturang post ni FL Liza sa kaniyang Facebook story.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Base sa website ng pangulo, taong 1988 nang magkakilala sina PBBM at FL Liza sa New York City noong nag-aaral at nagtatrabaho ang unang ginang bilang isang abogado.

Ikinasal daw sila noong Abril 17, 1993 sa San Francesco Convent sa Fiesole, Italy.