Idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Hunyo 7, ang pagtatapos ng El Niño climate phenomenon.

“DOST-PAGASA announces the end of El Niño, as the conditions in the tropical Pacific has returned to El Niño Southern Oscillation (ENSO)-neutral levels,” anang PAGASA sa isang pahayag.

“A transition from ENSO-neutral to La Niña remains likely (about 69% chance) by July-August-September 2024 season,” dagdag pa.

Kaugnay nito, inilabas na ng PAGASA ang final advisory para sa El Niño (2023-2024), at ibinaba na sa “ INACTIVE (ENSO-neutral)” ang PAGASA ENSO Alert and Warning System, habang nagpapatuloy naman ang LA NIÑA WATCH.

National

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa habagat

Sa kabila naman daw ng ENSO-neutral condition at umiiral na southwest monsoon o habagat, maaari pa ring magpatuloy sa ilang bahagi ng bansa ang mga epekto ng El Niño, tulad ng mas mainit kaysa sa karaniwang surface temperature at mas mababa sa normal na pag-ulan.

“DOST-PAGASA will continue to closely monitor any significant developments in this climate phenomenon. Meanwhile, all concerned government agencies and the general public are encouraged to monitor and take precautionary measures against impending climate impacts,” saad ng PAGASA.

Matatandaang sa isang Public Weather Forecast kaninang 4:00 ng madaling araw, inihayag ng ng PAGASA na inaasahang makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Biyernes dulot ng habagat.