Karamihan sa mga Pilipino ay patuloy na hindi nagtitiwala sa bansang China, ayon sa survey ng OCTA Research na inilabas nitong Biyernes, Hunyo 7.
Base sa March 2024 First Quarter “Tugon ng Masa” ng OCTA, 91% ng mga Pinoy ang hindi nagtitiwala sa China, habang 8% lamang daw ang nagsasabing nagtitiwala sila rito.
Ayon sa OCTA, ang datos ng mga nagtitiwala sa China ay patuloy na bumababa mula noong Pebrero 2022.
“Compared to December 2023, the percentage of China’s trust ratings decreased in Balance Luzon and Mindanao by one percentage point and five percentage points, respectively, while it increased in Visayas by two percentage points. China’s distrust rating has shown an upward trend since February 2022,” anang OCTA.
“However, compared to December 2023, there is only a one percentage point increase in China’s distrust rating in March 2024. Compared to December 2023, the percentage of China’s distrust ratings decreased in NCR (National Capital Region) and Visayas by one percentage point and two percentage points, respectively, while it increased by five percentage points in Mindanao and remained the same in Balance Luzon,” dagdag nito.
Samantala, ayon din sa OCTA, ang 8% na trust rating pa rin ng China ang pinakamababa para sa mga Pinoy kung ikukumpara sa ibang mga bansa tulad ng United States na may 87% trust rating, Russia na may 47%, at North Korea 32% trust rating.
Isinagawa raw ang naturang survey mula Marso 11 hanggang 14, 2024 sa pamamagitan ng pakikipanayam sa 1,200 respondents sa bansa na 18 pataas ang edad.
Matatandaang kamakailan lamang ay inilabas din ng OCTA ang resulta ng kanilang survey kung saan mayorya raw ng mga Pilipino ang naniniwalang China ang bansang may pinakamatinding banta sa Pilipinas.