Bukod sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kasama rin daw ng Pilipinas ang United Arab Emirates sa pagsugpo ng online sexual abuse at child exploitation sa bansa.

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang nitong Miyerkules, Hunyo 5, ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. kung anong klaseng tulong ang maibibigay ng UAE sa Pilipinas laban sa problemang ito.

“Ang United Arab Emirates ay magbibigay sa atin, sa pulis—nangako po sila—ng 21 artificial intelligence programs,” pahayag ng kalihim.

Sa pamamagitan daw umano nito, matutukoy ng mga opisyal ang lahat ng mga sumbong na matatanggap nila kung alin sa mga ito ang totoo o hindi.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Kasi kung minsan ‘yong mga report, hindi pala Philippines. Ibang lahi pala. Kung minsan, mga fake account ito. Kung minsan, nagdodoble. Kung minsan, luma na,” ani Abalos.

Samantala, sa unang bahagi ng naturang press briefing ay tinalakay ni Abalos kung anong klaseng dulog ang gagawin nila para supilin ang sekswal na pang-aabuso at pananamantalang nararanasan ng mga bata sa online world.

MAKI-BALITA: Mga ahensya ng gobyerno, sanib-pwersa kontra online sexual abuse, child exploitation