“Cala will live on forever, thanks to all of you 🧡🐱.”

Tumawid na sa rainbow bridge ang viral “I go meow” cat na si Cala, ayon sa kaniyang fur parent na si Elizabeth Toth.

Ibinahagi ni Toth ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang ">TikTok video na inilabas nitong Huwebes, Mayo 30.

“I am devastated to share that Cala has passed away. I adopted Cala thinking she was young with a full life ahead of her. However, Cala had gotten sick and was not recovering,” ani Toth sa kaniyang post habang ipipakita ang ilang video clip ni Cala.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Kuwento ni Toth, nang idala ipatingin niya si Cala ay lumabas sa mga test na mas matanda siya kaysa sa inisyal na kaalaman ng kaniyang beterinaryo, maging sa animal shelter kung saan siya nanggaling at inampon.

Kaugnay nito, pumanaw raw si Cala dahil sa katandaan.

“Although we were optimistic and Cala fought very hard, she was not improving. Cala ultimately passed away in my arms due to old age. She was surrounded by humans who love her,” saad ni Toth.

“Thank you very much for loving Cala as much as I do. You all will allow her to live on forever, to never be forgotten for how special she is,” mensahe rin niya sa mga tagahanga ni Cala.

Nakilala si Cala bilang isang iconic cat na umaawit ng “I go meow.”

Rest in Peace, Cala!