Nakakaloka ang hirit na suhestyon ng isang netizen sa ulat ng Balita tungkol sa Facebook post ni Ogie Diaz tungkol sa naobserbahan niya sa isang sinehan, na nasa loob ng isang mall.

Batay kasi kay Ogie, napansin niyang walang nakapila o pumupunta man lang para manood ng sine, lalo't ilang pelikulang Pilipino ang showing na sa mga sinehan nationwide.

Nalungkot si Ogie dahil tila patunay itong lumamlam at tumamlay na naman ang interes ng mga manonood sa mga pelikulang ipinalalabas sa mga karaniwang araw, hindi gaya noong 2023 Metro Manila Film Festival na talaga namang punumpuno ang pila at mga sinehan, patunay nga riyan na ang "Rewind" ng Star Cinema ang itinanghal na "highest grossing Filipino movie of all time."

Anyway, sa dulo ng post ay sinabi ni Ogie na para bang mas dumadagsa pa ang mga tao sa paresan nina Diwata at Hiwaga kaysa manood ng sine.

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

"Lumalabas na mas marami pang kumakain sa pares overload ni Diwata at ni Hiwaga kesa nanonood ng sine, gano’n ba? Ano ba maisa-suggest mo, friend?" ani Ogie.

MAKI-BALITA: Paresan nina Diwata, Hiwaga mas dinudumog pa kaysa mga sinehan—Ogie Diaz

Sa comment section ng post ni Ogie ay kaniya-kaniyang bigay ng mungkahi ang mga netizen. May mga nagsabing babaan ang presyo ng ticket na aabot na yata sa 400 piso ang isa. Babaan daw ang buwis para bumaba rin ang presyo ng ticket. May mga nagsasabi namang pondohan na ng pamahalaan ang movie industry kagaya sa ibang bansa.

Pero aliw ang isang komento ng netizen sa mismong ulat ng Balita. Aniya, alisin na lang daw ang mga panindang popcorn na karaniwang snack na itinitinda sa mga sinehan, at ipasok na lang ang pares, tutal, ito ang patok na pagkain ngayon dahil nga kina Diwata, Hiwaga, at iba pa.

"Alisin na kasi ang popcorn sa cinehan palitan na ng Paresan," sey ng isa.

Kuda naman ng isa, "DALHIN ANG PARESAN NILA DIWATA SA LOOB NG MGA SINEHAN. ISAMA NYO PA YUNG MGA IHAWAN SA UGBO PARA MAY SMOKE EFFECT SA LOOB NG SINEHAN."

"Si Diwata ang ilagay nyo sa sinehan 🤣🤣🤣🤣🤭"

"Dalhin nyo ang paresan ni diwata sa sinehan tingnan natin kung dudumugin pa rin ba?"

Why not, coconut?