Nagbigay ng reaksiyon at komento ang showbiz insider na si Ogie Diaz kaugnay ng isyung hindi tinawag para mag-present ng award ang beteranang aktres na si Eva Darren, ayon sa paglalantad ng anak nito sa social media.

Batay sa Facebook post ni Ogie nitong Lunes, Mayo 27, hindi raw siya makapaniwala sa naging paliwanag ng FAMAS patungkol sa hindi ma-locate ang inuupuan ng aktres kaya agad itong pinalitan, na dapat sana ay makakasama ng isa pang batikang aktor at dating Film Development Council of the Philippines chair na si Tirso Cruz III.

"Sabi ng Famas spokesperson ba yon? Hindi raw ma-locate ang seat ni Ms. Eva Darren, kaya nagkaroon ng last minute replacement sa stage," ani Ogie.

"Sorry for my word, put—- ina naman, sa tanda naman ni Ms. Eva, saan naman kaya siya pupunta? Nagte-table hopping ba siya? Nagyosi sa backstage? Nag-jog sa Quirino Grandstand? Namamasyal sa Luneta?"

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Mga palaka kayo!"

Bukod dito, may iba pa raw tsika na nakarating kay Ogie tungkol naman sa ilang mga nakatanggap ng parangal.

"Samantalang me nakapasabi sa akin (kayo nang mga taga-riyan ang sumagot kung true), binigyan nyo ng award ang ilang hindi naman karapat-dapat magka-award porke nag-sponsor lang nang malaki. True ba?"

"Tapos, inabala nyo yung matandang nirerespeto sa industriya para lang mabastos sa Gabi ng Parangal?"

"Iba talaga ang tinitingnan sa tinititigan."

Samantala, pinag-uusapan naman sa social media, lalo na sa X, ang umano'y buradong poster ng list of presenters para sa FAMAS.

Kung mapapansin daw, wala rito ang larawan at pangalan ni Eva Darren. Taliwas umano ito sa naging opisyal na pahayag ng award-giving body na hindi lamang nila nahanap ang kinauupuan ng batikang aktres kaya agad itong pinalitan.

MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Eva Darren, ‘binastos’ sa FAMAS?

MAKI-BALITA: FAMAS, nag-sorry kay Eva Darren

MAKI-BALITA: Eva Darren, wala sa poster ng list of presenters ng FAMAS?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag ang FAMAS sa mga nanganganak na isyung kaugnay nito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.