Nasungkit ni Asia's Outstanding Star at Kapamilya Star Kathryn Bernardo ang "Best Actress" award sa katatapos lamang na 2024 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awarding ceremony na ginanap nitong Linggo ng gabi, Mayo 26, sa Manila Hotel.

Ito ang kauna-unahang FAMAS award ni Kathryn, na nakopo niya sa pelikulang "A Very Good Girl" na kauna-unahang pelikulang lumayo sa tipikal niyang romantic-drama genre, kasama si Golden Globe nominee Dolly De Leon, sa ilalim ng Star Cinema.

Natalo lang naman ni Kathryn ang iba pang bigating nominees gaya nina Diamond Star Maricel Soriano para sa pelikulang "In His Mother's Eyes," Charlie Dizon para sa "Third World Romance," Marian Rivera para sa "Rewind," Eugene Domingo para sa "Becky & Badette," at Megastar Sharon Cuneta para sa "Family of Two."

Wala sa mga nominado ang pangalan ni Star For All Seasons Vilma Santos-Recto subalit nakatanggap naman sila ng parangal ng kaniyang katambal na si Christopher De Leon ng pelikulang "When I Met You in Tokyo," ang "Circle of Excellence Award."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero hindi rin naman na-lotlot si Marian na itinanghal naman bilang "Bida ng Takilya" kasama ang mister na si Dingdong Dantes, para sa napakalaking tagumpay ng "Rewind" sa takilya, na "highest-grossing Filipino movie of all-time. Nakuha rin ng Rewind ang "Best Sound" award.

Counterpart ni Kathryn para sa Best Actor category ang isa pang Kapamilya Star na si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual para sa "Mallari," ka-tie ang actor-politician na si Alfred Vargas para sa pelikulang "Pieta."

Sa kabuuan, hakot-award ang Mallari sa gabing iyon.

Samantala, narito ang kabuuan ng mga nagwagi:

Best Picture- Mallari

Best Director- Louie Ignacio (Papa Mascot)

Best Actress- Kathryn Bernardo (A Very Good Girl)

Best Actor- Piolo Pascual (Mallari) at Alfred Vargas (Pieta)

Best Supporting Actor- LA Santos (In His Mother’s Eyes)

Best Supporting Actress- Gloria Diaz (Mallari)

Best Child Actor- Euwenn Mikael Aleta (Firefly)

Best Child Actress- Elia Ilano (Ghost Tales)

Best Screenplay- Enrico Santos (Mallari)

Best Production Design- Marielle Hizon (Mallari)

Best Cinematography- Carlo Mendoza (Gomburza)

Best Editing- Benjamin Gonzales Tolentino (Iti Mapukpukaw)

Best Musical Score- Teresa Barrozo (Iti Mapukpukaw)

Best Visual Effects- Mallari

Best Sound- Rewind

Best Original Song- “Finggah Lickin'” (Becky And Badette)

Best Short Film- Huling Sayaw ni Erlinda

Best Documentary- Maria

Circle of Excellence Award- Vilma Santos at Christopher de Leon

Special Citation Award- Gloria Romero

Bida sa Takilya Award- Dingdong Dantes at Marian Rivera