Nalungkot ang showbiz insider na si Ogie Diaz matapos niyang maobserbahan ang isang sinehan sa isang mall kung saan kapansin-pansin daw na walang mga nakapilang tao para manood ng pelikula o sine.

Ayon sa Facebook post ni Ogie, hindi pa nga raw siya umalis at nanatili ng ilang minuto upang tingnan kung may lalapit sa tiketan para bumili ng movie ticket.

Subalit nabigo siyang makakita ng manonood na interesadong panoorin ang mga pelikulang Pilipino na showing ngayon sa mga sinehan.

"Mga limang minuto siguro akong nakatanghod sa view na ito. Baka kasi may pagbabago. As in baka may bibili ng tiket para manood ng sine," ani Ogie sa kaniyang latest FB post.

Pelikula

Gina Alajar, gaganap na yumaong si Charito Solis sa 'The Rapists of Pepsi Paloma'

"Pero wala."

"Nakakalungkot para sa movie industry."

Kaya naisip ni Ogie, ano nga kaya ang solusyon para mas mahikayat ang mga manonood na dagsain ang mga sinehan kahit hindi Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagaganap tuwing Yuletide season?

"Paano kaya itutulak ang mga tao para manood ng sine sa ordinaryong araw bukod sa Metro Manila Filmfest?"

"Dapat bang ibaba ang presyo ng ticket?"

"Dapat bang ibaba ang entertainment tax para may pambili ng popcorn man lang ang mga manonood?"

"O sadyang tumaas na talaga ang pamantayan ng mga tao sa kalidad ng pelikulang [panonoorin] pagkatapos makapanood ng magagandang foreign films sa streaming platform like netflix, viu, amazon prime?"

Saad pa ni Ogie, mas dinadagsa pa raw ang mga paresan ng social media personalities na sina Diwata at Hiwaga kaysa mga sinehan.

MAKI-BALITA: Mas presentable at approachable daw: Hiwaga, tinatapatan si Diwata?

MAKI-BALITA: Diwata halos araw-araw kino-content, ‘ginagatasan’

"Lumalabas na mas marami pang kumakain sa pares overload ni Diwata at ni Hiwaga kesa nanonood ng sine, gano’n ba?

"Ano ba maisa-suggest mo, friend?"

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Presyo po ng Ticket pang isang araw na sweldo nang isang regular na empleyado. Sana magawan ng paraan."

"Ibaba ang PRESYO... apaka mahal na talaga ng mga sine ngayon 400 pesos ung dito malapit sa amin..."

"Dapat mas mabigyan ng opportunity ang ating mga filmmaker na gumawa ng mga magagandang pelikula, at dapat exciting enough para pumunta ang tao sa sinehan. At isa pa: kay tagal na po tayong nagkukulang sa local children's movies."

"Yung presyo kase ng ticket pang isa lang, while on streaming platforms na mas mababa, madami choices ng mapapanood, may genre na para sa bata to matanda, medyo malalim paden yung hugot ng ibang local movies compared sa real time."

Samantala, ganito rin ang naging saloobin ng direktor-scriptwriter na si Ronaldo Carballo.

MAKI-BALITA: Industriya ng pelikula sa Pilipinas, lugmok na —direktor

Ikaw, anong maimumungkahi mo?