Nagdulot ng laugh trip sa mga netizen ang isang video na naka-upload sa "T1ndahan Gam1ng" kung saan makikita ang isang "online electric fan" sa nakakabit na monitor sa loob ng isang silid-aralan.

Sa video, mapapanood na abala ang mga mag-aaral sa kanilang gawaing-pang-upuan habang binabantayan sila ng kanilang guro.

"Puro kayo online hayan online electric fan," mababasang hirit na caption sa video.

Matatandaang nagkaroon ng suspensyon ng face-to-face classes sa nagdaang buwan dahil sa matinding heat index kaya muling nag-shift sa synchronous at asynchronous ang mga klase sa iba't ibang lugar.

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Virtual lamig pala ito hahaha."

"Nice one hahaha, para isipin mong malamig hahaha."

"Dapat aircon nalang sana nilagay mas malamig yun total mababa naman electric bill nyan"

"Ang cute, umaandar hahaha."

Hindi naman tinukoy sa FB page kung sino ang original uploader ng video.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa mahigit 58k reactions, 527 comments, at 850k views ang nabanggit na video.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!