Nagdulot ng inspirasyon sa mga netizen ang Facebook post ng gurong si Wilfred Branairos Malinog matapos niyang i-flex ang pagtatapos sa junior high school ng kaniyang inang si Domingga Malinog, sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS ng Department of Education (DepEd).

Ang mas nakamamangha pa rito, mismong ang anak na si Wilfred ang naging guro ng nanay niya.

"NANAY KO, ESTUDYANTE KO!"

"Congratulations mudrabels, ALS Graduate @ the age of 67..May purpose gid ang Ginoo kung ngaa gintransfer ako sa ALS❤️❤️❤️," mababasa sa caption ng Facebook post ni Wilfred.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Sa panayam kay Wilfred, mismong siya raw ang humikayat sa ina na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Napansin daw kasi niyang laging binabasa ng ina ang mga module para sa kaniyang estudyante, bilang isa siyang ALS teacher.

Naging libangan daw ng ina ang pag-aaral matapos pumanaw ang kaniyang ama.

Ngayong nakatapos na sa high school ang ina, hihikayatin niya itong mag-kolehiyo.

Congratulations sa mag-ina!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!