Good vibes ang dala-dala ng TikTok video ng isang nagngangalang "Krizlyn Mayao" matapos niyang ibida ang isang naispatang pulis na nagpapakain ng stray dogs sa kaniyang estasyon.
Napag-alamang ang nabanggit na pulis ay nagngangalang "Staff Sergeant Oliver Alfonso" sa Manila Police Station 11 sa Binondo, Maynila.
Pinapayagan daw ni Alfonso ang mga aso na matulog sa ilalim ng upuan ng kaniyang desk, at binibigyan-bigyan din ng makakain at tubig na maiinom.
Sa panayam kay Alfonso, sinabi niyang hindi lamang siya ang dog lover kundi maging ang iba pang kasamahang pulis. Sa katunayan, hinahayaan lamang daw nila ang mga aso na pumasok sa kanilang tanggapan kapag gusto nila. Ilan nga raw sa mga stray dog na dumadalaw sa kanila ay mataba na.
Hindi lamang stray dogs ang inaalagaan nila kundi pati stray cats.
Ayon pa sa pulis, ang mga tao raw ang dapat na magsilbing boses ng mga hayop dahil hindi naman sila nakapagsasalita. Hindi sila nakapagsasalita para manghingi, kaya kapag nilapitan ka na nila, ito raw ay senyales na humihingi siya ng pagkain, inumin, o tulong.
Sa comment section, mababasa naman ang komento ng nagpakilalang kaanak ng pulis.
"Si oliver po yan. Dog lover po talaga ang family niya. Cousin po ng husband ko," saad nito.
"pakisabi po kay Sir Oliver Maam na in behalf po samin na mga Dog lover, maraming salamat po Sir for taking care of all those homeless PAWS..🥰🥰🥰 Only dog lovers could understand this vid," reaksiyon naman ng isang netizen.
Pinusuan naman ng mga netizen si Alfonso at tila magandang imahe raw ito para sa kapulisan.
"Ang hayop pag dumikit sa tao alam nila na may good heart ito."
"Thank you kuya sa pagiging mabuti sa mga aso. God bless you!"
"Pag ang pulis mabait sa aso 100% mabuting pulis yan ❤️❤️❤️."
"World would be a better place pag ganito ang mga kapulisan💯."
"For sure mabait tong si sir. Hindi lalapit o hindi sila ganyan katiwala kung nasesense nila na salbahe ung tao. Salute po! Sana lahat ganyan sa animals."
[embed]
Saludo, Staff Sergeant Oliver Alfonso! Mabuhay po kayo!
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!