Sobrang init sa loob ng klasrum? No problem!

Ibinida ng isang college lecturer mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology-Gabaldon Campus ang larawan ng kaniyang mga mag-aaral habang kumukuha ng pinal na pagsusulit sa kaniyang klase.

Makikita sa Facebook post ni Alvin Valdez ang ginawa niyang paraan upang maibsan ang init na nararamdaman ng mga mag-aaral lalo't kukuha sila ng finals.

Makikitang maayos na nakahilera sa pagkakaupo ang mga mag-aaral, sa ilalim ng mga puno, kaya hindi mainit at nadadapyuan pa sila ng hangin.

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

Pahayag pa ng guro, sadyang mahalaga ang mga puno dahil nagbibigay sila ng likas na "cooling system" laban sa init.

"mainit ba sa loob ng room, sige sa labas tayo magexam mas malamig."

"imagine a place where trees are parts of cooling system. staying under their shade is so beneficial and helpful," aniya.

Bukod sa mas presko, maiiwasan din umano ang "kopyahan" sa ganitong klaseng set-up.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!