Kinilalang "Box-Office King at Queen" sa pelikula sina Alden Richards at Kathryn Bernardo para sa nagbabalik na "Box Office Entertainment Awards" na ginanap nitong Linggo, Mayo 12, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University.

Ang nabanggit na pagpaparangal ay award-giving body ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc. na pagkilala sa mga personalidad at grupo na tumabo ng tagumpay sa larangan ng pelikula at telebisyon.

Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera o DongYan ang ginawaran ng Box-Office Phenomenal Stars of Philippine Cinema dahil sa tagumpay ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry na "Rewind" na kinikilala ngayon bilang "highest-grossing Filipino movie of all time" matapos kumita na raw ng 1 bilyong piso, na kauna-unahang pelikulang nagkaroon ng ganoong kalaking kita sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Natalo nila ang "Hello, Love, Goodbye" ng KathDen noong 2019 na may hawak ng nabanggit na titulo. Gayunman, kinilala pa rin bilang "Box-Office King and Queen sina Alden at Kathryn subalit sa magkahiwalay na pelikula.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Si Alden ay Box-Office King para sa pelikulang "Five Breakups and a Romance" na pinagbidahan nila ni Julia Montes, habang si Kathryn naman ang Box-Office Queen para sa pelikulang "A Very Good Girl" kasama si Golden Globes nominee Dolly De Leon.

Marami raw nagtatakang netizen kung bakit hindi naikonsiderang Box-Office Queen si Julia gayong siya ang katambal ni Alden sa pelikulang nagtanghal sa kaniya bilang Box-Office King.

Anyways, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Guillermo Mendoza awards tungkol dito.

Narito naman ang buong listahan ng mga nagwagi, batay sa listahang inilabas ng Philippine Entertainment Portal o PEP:

Box-Office Phenomenal Stars of Philippine Cinema - Dingdong Dantes and Marian Rivera (Rewind)

Box Office King - Alden Richards (Five Breakups and A Romance)

Box-Office Queen - Kathryn Bernardo (A Very Good Girl)

Film Actors of the Year - Dingdong Dantes (Rewind) & Piolo Pascual (Mallari)

Film Actress of the Year - Ms. Vilma Santos (When I Met You in Tokyo)

Primetime TV Drama Actor of the Year - Dennis Trillo (Maria Clara at Ibarra)

Primetime TV Drama Actress of the Year - Barbie Forteza (Maria Clara at Ibarra)

Daytime TV Drama Actor of the Year - Richard Yap (Abot-Kamay Na Pangarap)

Daytime TV Drama Actress of the Year - Jillian Ward (Abot-Kamay Na Pangarap)

Prince of Philippine Entertainment - Donny Pangilinan

Princess of Philippine Entertainment - Belle Mariano

Movie Supporting Actor of the Year - Enchong Dee (GomBurZa)

Movie Supporting Actress of the Year - Alessandra da Rossi (Firefly)

TV Supporting Actor of the Year - Tirso Cruz III (Maria Clara at Ibarra)

TV Supporting Actress of the Year - Pinky Amador (Abot-Kamay na Pangarap)

Most Popular Loveteam for Movies - Dingdong Dantes & Marian Rivera (Rewind)

Most Popular Loveteam for Television - Ruru Madrid & Bianca Umali (The Write One)

Concert of the Year - Dear Heart The Concert Series MOA Arena (Sharon Cuneta & Gabby Concepcion)

Male Concert Performer of the Year - Bamboo (Sarah G x Bamboo)

Female Concert Performer of the Year - Sarah Geronimo (Sarah G x Bamboo)

Male Recording Artist of the Year - Darren (Bibitaw Na - Top Streamed)

Female Recording Artist of the Year - Moira dela Torre (Ikaw at Sila Album/EME Album)

Most Popular Recording/Performing Group - SB 19 (Pagtatag World Tour)

Most Popular Child Performer of the Year - Euwenn Mikaeli (Firefly)

Most Popular Film Producer - Star Cinema, APT Productions, Agosto Dos (Rewind)

Most Popular Screenwriter - Enrico Santos (Rewind)

Most Popular Film Director - Mae Cruz Alviar (Rewind)

Most Popular TV Program - Kapuso Mo, Jessica Soho (News & Public Affairs)

Most Popular TV Program - FPJ’s Batang Quiapo (Primetime Drama)

Most Popular TV Program - Fast Talk With Boy Abunda (Talk Show)

Most Popular TV Program - Family Feud (Reality/Talent/Game)

Most Popular TV Program - ASAP (Noontime/Primetime/ Musical Variety)

Male TV Host - Luis Manzano

Female TV Hosts – Maine Mendoza & Kim Chiu

Comedy Actor of the Year – Bong Revilla Jr. (Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis)

Comedy Actress of the Year - Beauty Gonzalez (Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis)

Narito naman ang ilang mga personalidad na nakatanggap ng espesyal na parangal at pagkakilala:

Best Marcelo Lifetime Achievement Award - Empoy Marquez

Corazon Samaniego Lifetime Achievement Award - Christopher de Leon

Box Office Iconic Stars of Philippine Movies - Vilma Santos

Box Office Iconic Stars of Philippine Television - TVJ (Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon para sa Eat Bulaga)

Global Entrepreneur of the Year - Olivia Quido-Co

Outstanding Public Service Award - Joselito Andrew Roxas Mendoza

Businesswoman of the Year Award - Anna Andrea Magkawas

Pagbati sa mga nagwagi!