Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang vlog ang mga pagkaing hinahanap-hanap niya, tulad ng “balut.”

Sa kaniyang latest vlog na may pamagat na “Chibog” na inilabas nitong Linggo, Mayo 5, sinagot ni Marcos ang katanungan kung ano ang paborito niyang street food.

“Yung hinahanap ko kung minsan, balut. Bata pa ako natuto na akong kumain ng balut,” ani Marcos.

Samantala, sinabi ng pangulo na hindi raw siya kumakain ng mga sitsirya.

Human-Interest

PBBM, ibinahagi ang talento sa pagluluto

“Hindi ako kumakain ng sitsirya, marami kung minsan dinadala na mga snack,” saad ni Marcos.

“Ang hindi ko mahindian, lalo prutas. ‘Yung prutas kahit na kailan, ibigay mo sa akin kakainin ko lahat,” dagdag pa niya.

Ibahagi rin ng pangulo ang mga maipagmamalaking pagkain sa Ilocos, tulad ng “dinardaraan” o dinuguan, bagnet, empanada at iba.

Sa naturang vlog ay ibinahagi rin ni Marcos ang kaniya raw talento sa pagluluto.

Kaugnay nito, hinikayat ng pangulo ang publiko na patuloy na suportahan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa at ipakilala sa mga turistang dayuhan ang mga pagkaing Pinoy.