Hinarang ng Philippine Navy (PN) ang isang Liberian-flagged bulk carrier na pinaghihinalaang sangkot sa smuggling activities habang naglalayag sa Bohol Sea kamakailan.

Sa pahayag ng Naval Forces Central, nakatanggap sila ng ulat mula sa Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng namataang MV Ohshu Maru na illegal na naglalayag sa nasabing karagatan o 12 nautical miles (22 kilometro) sa timog ng Lazi, Siquijor.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang naturang cargo ship ay walang isinusumite na Notice of Arrival sa mga awtoridad. 

Sinabi pa ng PN, dinala muna ang barko sa anchorage area kung saan ito isasailalim sa inspeksyon ng BOC-Cagayan De Oro City.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso.