Nagpaliwanag na ang gym coach na sinita ng Hawaii-based Filipino social media personality na si Bretman Rock matapos kuyugin ng LGBTQIA+ community members ang umano'y "homophobic post" niya tungkol sa pagji-gym.

Makikita sa caption ng TikTok video ng coach, "Dati nagpe-pre-workout pa ako para mabuhat ko yung last rep..."

"Ngayon kailangan ko lang isipin..."

"Bakla ako pag hindi ko nabuhat to!"

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sa comment section ay sinita siya ni Bretman.

"Lmfao girl atleast put your elbows closer together..."

"All that for such a light weight sis..."

"Since you're back on my fyp let me just read you some more, Roach Edison."

"Only if you were as strong as your braces trying to keep your teeth together, you wouldn't need motivation."

"It's the way that last rep didn't even count bc you didn't lock up (emojis) sis you are GAAAAAY."

"Lastly- I'm so glad I'm not panget, weak and straight."

Sa isang TikTok video ay nagpaliwanag si Coach Edison Vargas at nag-apology sa mga nasaktan sa kaniyang video.

Nagkomento ang coach sa masakit na komento laban sa kaniya na "Never skip brain day sis!!"

"Kailangan ko na raw i-workout 'yong utak ko kasi hindi ko raw siya ginagamit before ako mag-post," panimula ng coach.

"Actually before ako mag-post, tumingin muna 'ko ng ibang content sa TikTok na katulad ng ipo-post ko..."

Nagpakita pa siya ng mga halimbawa ng iba't ibang contents na tila nakapagpa-inspire sa kaniya para gayahin sa kaniyang kontrobersiyal na post.

"Hindi lang sila 'yong nag-post, marami pa kasi iyon ang trend sa ibang bansa, or may few rito sa Pilipinas..."

Nang tingnan naman niya ang mga komento sa mga tiningnan niya, wala naman daw nakalagay na "homophobic" sila, pero nang siya na ang nag-post, iyan na raw ang tirada sa kaniya.

"Hindi ko po siya pinost to harm your feelings, wala po akong ibang intensiyon para saktan kayo, or ma-offend kayo, or i-trigger kayo. To cut the long story short, pinost ko siya dahil nakita ko lang. And nakita ko rin na wala namang masama para i-post siya kasi wala namang negative comments."

Paliwanag pa ng coach, may mga kilyente siyang miyembro ng LGBTQIA+ community na nirerespeto niya nang sobra. Tingin daw niya sa mga kliyente niya ay malalakas dahil kaya nilang mamuhay batay sa kung ano ang gusto at desisyon nila.

Gayunman, nagpapasalamat din siya sa mga sumita sa kaniya at naglabas ng kanilang reaksiyon upang mas maging aware siya sa pagpo-post.

"Muli, wala po akong ibang intensiyong masama sa post ko," giit pa niya.

[embed]https://twitter.com/toothXxxpert/status/1782706309546348773[/embed]

Bagama't hindi na ma-search sa TikTok ang account ni Coach Edison, marami sa mga netizen ang nakapag-download nito at pinulutan na sa social media lalo na sa X.

MAKI-BALITA: ‘Homophobic post’ ng isang gym coach, sinita ni Bretman Rock