Nakararanas na maalinsangang panahon ang mga Pilipino ngayong Abril kung saan umaabot sa 36-42°C ang temperatura sa ilang lugar dito sa bansa.

Katunayan, nagpaalala na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring pumalo sa 52°C—itinuturing extreme danger heat index— ang temperatura sa ilang lugar sa bansa sa Mayo.

Lifehacks

Pag-require sa bagong empleyadong mag-perform sa Christmas party, labag sa batas?

"Based on PAGASA's monitoring on high discomfort index or heat index, there's (the) possibility that some areas could experience extreme danger (level) or 52°C and above," saad ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Liza Solis sa kaniyang panayam sa PTV 4.

Dahil extreme heat index, maaari raw ito maging sanhi ng heat stroke.

Ayon sa Department of Health (DOH), nangyayari raw ang heat stroke kapag hindi na kayang kontrolin ng katawan ang temperatura.

“Heat stroke occurs when the body becomes unable to control its temperature. In this situation, the body’s temperature rises quickly, and the body’s sweating mechanism (which is used to cool down the body) fails,” ayon sa ahensya.

"People with heat-related illnesses typically present with dizziness, vomiting, headache, and warm, flushed skin," dagdag pa ng DOH.

"Those who have heat stroke in particular usually have signs pointing to a more severe condition, like: a very high fever of at least 40°C, rapid heartbeat and breathing, convulsions, and unconsciousness.”

Gayunman, ano nga ang mga dapat gawin para maiwasan ang heat stroke?

  1. Limitahan ang oras ng paglabas ng bahay o outdoor activities tuwing sasapit ang 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
  2. Uminom ng maraming tubig
  3. Iwasan ang caffeine kagaya ng kape at tsaa.
  4. Kung nasa labas man, manatili sa lugar na may lilim.

Minumungkahi rin ang pagsusuot ng ng mga light-colored, manipis, at maluwag na damit para mapreskuhan. Gumamit din ng proteksyon laban sa sunburn kagaya ng sumbrero, payong, at sunblock.

source: DOH