Nagbuga ng makapal na usok ang Bulkang Taal nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong 11:02 ng umaga nang magpakawala ng 300 metrong taas ng usok ang bulkan at ito ay napadpad sa hilagang kanluran.

Probinsya

Hinihinalang adik, umatake sa ilang bahay sa Cebu; maglola patay, 3 sugatan

Tumagal lamang ng limang minuto nasabing volcanic activity.

Gayunman, walang naitalang pagyanig ang bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Nakataas pa rin sa Level 1 ang alert status ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.