Hinamon ng blogger na si Sass Sasot si First Lady Liza Araneta-Marcos na idemanda siya nito ng cyberlibel.

Sa kaniyang panayam kay Maharlika nitong Biyernes, hinamon ni Sasot ang First Lady na idemanda siya nito ng cyberlibel at handa raw siyang harapin ito.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“I challenge you, Liza Marcos. Idemanda mo ako ng cyberlibel dito sa sinasabi ko rito na sinungaling kang babae ka. Sige. Walang katotohanan ang pinagsasabi mo,” saad ni Sasot.

“You don’t deserve to be called a First Lady because of your actuations right now. You are a lying lady. At handa kong harapin kahit sinumang poncio pilato, kahit ang assassin niyo pang iha-hire,” dagdag pa niya.

Sa naturang panayam, ibinahagi rin ni Sasot ang mga “resibo” niya tungkol sa naging pahayag ni Araneta-Marcos na lumapit daw sa kaniya ang bloggers na sina Sasot at RJ Nieto dahil may kinahaharap umano silang kasong cyberlibel.

“Sass [Sasot] and RJ [Nieto]. You know I met them because they were sued for cyberlibel. They came to me. Pro bono… 3 years pro bono,” ani Araneta-Marcos sa kaniyang exclusive interview kay Anthony Taberna na umere nitong Biyernes, Abril 19.

BASAHIN: Sass Sasot, RJ Nieto lumapit daw kay FL Liza Marcos dahil sa kasong cyberlibel

Pinabulaanan na rin ito ng blogger matapos lumabas ang panayam ng first lady.

“Mrs Araneta-Marcos, we first met because your family needed our help to inform the public about your side of the story regarding your electoral protest against Vice President Leni Robredo. Let me remind you once again, Mrs Araneta-Marcos, that you needed our help because mainstream media was so pro-Leni at that time,” sambit ni Sasot.

BASAHIN: Sass Sasot pumalag kay FL Liza: ‘You needed our help… tae ang tingin sa inyo noon’