Humanga hindi lamang si "Noynoy Filaro" kundi maging ang mga netizen sa isang makulay na ibong namataan at nakuhanan niya ng video sa isang kagubatan sa Semirara Island, Antique.

Ayon kay Noynoy, naalala niya ang "Ibong Adarna" na noon ay nababasa lamang niya sa aklat at pinag-aaralan noong nasa Unang Taon ng high school o katumbas ng Grade 7 sa kasalukuyang kurikulum.

"Ibong Adarna na dati nababasa ko lang sa libro, ngayon nakita ko sa personal na. Salamat po Lord!" aniya sa kaniyang Facebook reel.

Ang nabanggit na ibon ay tinatawag na "Golden Pheasant" at karaniwang makikita sa ilang bulubunduking bahagi ng Western China, at dito sa Pilipinas.

Kahayupan (Pets)

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!

“Just want to share with you all the beautiful Ibong Adarna here at Semirara Island," saad pa ni Noynoy sa kaniyang Facebook post.

Ano naman ang Ibong Adarna?

Samantala, ang Ibong Adarnang pinag-aaralan sa high school ay isang mahiwaga at engkantadong ibong likhang-isip lamang.

Sa kuwento, sinasabing sinumang makarinig sa pag-awit nito ay mahihimbing sa pagtulog at kapag napatakan ng ipot nito ang sinumang tao, ay magiging bato. Ang mga may sakit naman ay agad na gagaling sa kanilang karamdaman.

Pitong beses umaawit ang Ibong Adarna at pitong beses din nagpapalit ng balahibo.