Tila may patutsada ang aktor na si Janus Del Prado sa mga artistang lumilipat ng network.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Abril 8, mapang-uyam niyang tinanong ang mga bumabatikos sa mga lumilipat na artista noon. 

“‘Yong mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” pahayag ni Janus.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

“Wala naman binanggit si Janus na name nong lumipat kuno so bakit G n G kayo sa kanya?”

“hindi sila lumipat , pinalabas ang programa nila .. magkaiba un huyy”

“Meaning lang po lods, baka hindi kaya ng mga current GMA artist na buhayin ang noon time ng GMA kaya need help sa ABS CBN artists. Kaya kinuha nalang buong Showtime tota wala naman sila channel to formally air their shows. Pero as far as I know wala pong lumipat. Abs CBN artists padin sila. Need lang din ni GMA help nila so win win padin. Business strategies lang.”

“APAKABOBO MO TALAGA KAYA HINDI UMABANTE CAREER MO EH”

“Idol kita lods. Pero dapat di na pinapalaki to. Kung lumipat lumipat wala naman na magagawa tsaka baka yun din ang tamang move para sa career nila.”

“Hndi naman po sila lumipat.. bkt ba kasi ayw ng gma gumawa ng sarili nilang noontime show? Eh marami silang artist na sa network nila? Hehe mas gusto nila kunin ang showtime?! Gma tlga may sarili namang mga artista guato mga tga abscbn😂”

“OA naman ni @janusdelprado as if naman Big Star Talaga!! hahahahaha”

“Hindi naman sila hypocrites kasi wala namang lumipat? Since under ABSCBN management pa din naman sila? Naki ere lang sila sa GMA yun lanf”

Dahil sa mga natanggap niyang hanash mula sa mga netizen, napilitan si Janus na i-edit ang kaniyang post para magdagdag ng ilang pahayag sa caption nito:

“At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo.”

Bagama’t walang binanggit na pangalan kung sino ang mga tinutukoy ni Janus na lumipat, matatandaang umeere na sa GMA Network na ang “It’s Showtime” bilang opisyal na noontime show ng naturang network simula noong Sabado, Abril 6.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!