Nag-trending sa social media platform na X ang nagbabung noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" dahil sa pagtatalo-talo ng mga netizen tungkol sa TV ratings.

Photo courtesy: Screenshot from X

Saad kasi ng isang X social media user na si "Madam Beki Vidanes❤️💙💚," pasalamat daw ang ABS-CBN noontime show na "It's Showtime" dahil nakatikim sila ng mataas na TV ratings matapos umere sa GMA Network.

"Graveh Saving Grace talaga namin ang Kamuning kundi dahil sa mga Kapuso hindi namin matitikman ang 9.2% ratings."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Kundi dahil sa Kamuning nasa 3.4% 3.1% at 4.0% pdin ang matitikman namin na ratings. Ibang klase talaga ang power ng mga Kapuso sa Noontime," aniya.

[embed]https://twitter.com/MadamWanderBeki/status/1777205342763692378[/embed]

Niretweet naman ito ng iba pang X users na maka-Showtime at ABS-CBN at ipinagtanggol na kabaligtaran daw dahil kung hindi dahil sa It's Showtime, hindi sisigla ang noontime slot ng GMA na hindi raw nagawa ng Tahanang Pinakamasaya.

Ibig sabihin, nasa content daw o kalidad ang dahilan kaya tumaas ang TV rating at natalo ang "Eat Bulaga" sa TV5 at RPTV9.

"Iba talaga manghatak ang showtime. Pinasigla nito ang noontime ng GMA. Or ganyan na rin rating ng Tahanang Pinakamasaya na consistent?"

"ANG TANONG HA BAKIT HINDI NAKAGAWA ANG GMA NG SARILING NOONTIME SHOW HA BAKIT DI NILA NAPATAAS RATING NG TAHANANG PINAKAMASAYA HA BECAUSE NATALO SA RATING ANG IBIG SABIHIN NOON MAS KAILANGAN NILA ANG ITS SHOWTIME KESA ITS SHOWTIME ANG ME KAILANGAN SA KANILA"

"Meaning, reach ang kulang. Na naprovide nyo pero kahit ano pa kalawak ang reach if pangit show, d prin magrerate. Naalala mo Tahanang Pinakamasaya nyo?"

"First time ulit mag almost 7% ang noontime ratings ng GMA post pandemic with OG EB- Tahanang Pinakamasaya and the Reply Lunchtime Movie. Thank you Showtime and ABS CBN Studios."

Ngunit may Kapuso fans naman ang nagtanggol na magpasalamat na lang daw ang Showtime at ABS-CBN na pinatuloy sila sa GMA Network, na dahilan para mapansin pa raw sila at tumaas ang engagement sa kanila ng mga tao.

May ilang netizens naman ang nagsabing useless ang bangayan ng fans dahil pareho lang naman nagbebenefit ang ABS-CBN at GMA sa tuwing may kolaborasyon sila.