Sadyang napakainit na nga ng panahon ngayon, kaya tiyak na kung hindi electric fan o air cooler ang nakabukas, nariyan ang air conditioner o aircon na kahit paano ay makakabawas o makaaalis sa maalinsangang temperatura lalo na sa bahay.

Kaya lang, ang pinoproblema ng karamihan, kapag binuksan ang aircon, tiyak na humanda sa mataas na electric bill. Kaya naman, ang karamihan ay kani-kaniyang diskarte kung paano makatitipid sa bayarin sa kuryente, o ang iba naman, mas pinipili na lamang huwag buksan ang aircon para makatipid.

Ngunit para sa councilor ng Barangay 152, Bagong Barrio, Caloocan City na si Teng Gresola, hindi dapat dine-deprive ang sarili lalo na kung kalusugan at comfort na ang nakataya. Aniya, mas okay pa raw magbayad ng electricity bill kaysa sa hospital bills.

"Sabi nila 'Aircon Now, Pulubi Later'

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

"Eto stand ko about that.."

"Hindi mo mabibili ang pahinga kahit mahal ang kuryente mahalaga ay maayos ang pamamahinga mo at ng pamilya mo, pagod ka na nga sa trabaho at sa barangay di kapa makakapagpahinga ng maayos."

"At yung makatulog lang ako ng maayos ay isang luxury na saken yun so I’d rather go with electricity bills rather than hospital bills💯💯💯"

"Kaya buksan na ang aircon kung naiinitan ka😉."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"I agree to this. Kaya nagtatrabaho tayo para maranasan natin 'yong mga bagay na magpapasaya at magpapagaan sa atin. Walang problema sa bills basta kayang bayaran. It's a matter of financial management. Pero kung di talaga kaya bayaran tapos wagas makagamit ng di naman kailangan, you are putting yourself on a red line."

"Tama ito halos 24 hrs aircon namin nakabukas. Di bale ng tumaas bills sa kuryente, kesa nagtitiis naman kayo at mga anak mo sa init at hindi komportable. We work hard para makaranas ng kahit papanong ginhawa sa buhay."

"Naku, paano naman ang mga walang aircon?"

"aircon is necessity lalo kung sa tropical country ka nakatira. dito sa North America naman Heater ang necessity kasi nga malamig always remember nag ppaka pagod tayo sa trabaho pra guminhawa ang buhay."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 14k reactions, 34k shares, at 4.5k comments ang nabanggit na viral FB post.

Samantala, ang sobrang init o pagkakalantad sa matinding init ay maaaring magdulot ng iba't ibang mga sakit at kondisyon. Ilan sa mga ito ay:

  1. Heatstroke. Ito ay isang seryosong kondisyon na dulot ng sobrang pagtaas ng temperatura ng katawan na maaaring magdulot ng pagkawala ng malay, pagkahilo, at maging panganib sa buhay.
  2. Dehydration (Pagkukulang sa Tubig). Kapag sobrang init, maaaring mabilis na magkaroon ng kakulangan sa tubig sa katawan, na maaaring magdulot ng panghihina, pagkahilo, at iba pang mga sintomas.
  3. Sunburn (Pagkasunog ng balat sa Araw). Ang sobrang pagkahantad sa araw na walang sapat na proteksyon ay maaaring magdulot ng sunburn, na maaaring magresulta sa pamamaga, kirot, at pamumula ng balat. Sa ibang kaso, maaari itong lumala at magpa-trigger sa "skin cancer."
  4. Heat Exhaustion (Pagkapagod sa Init). Ito ay isang kondisyon na dulot ng pagod o pagkahapo ng katawan dahil sa sobrang init, na maaaring magdulot ng pagkahilo, panghihina, pagkahilo, at pagsusuka.
  5. Prickly Heat (An-an). Ito ay isang uri ng pantal na dulot ng pagbara ng mga sweat glands dahil sa sobrang init, na maaaring magdulot ng pangangati at pamumula ng balat.
  6. Heat Cramps (Pamumulikat). Ito ay mga pananakit ng kalamnan na dulot ng labis na pagpapawis at pagkawala ng tubig at asin sa katawan dahil sa sobrang init.
  7. Heat Rash (Pamumula). Ito ay isang uri ng pantal na dulot ng pagbara ng mga pore sa balat dahil sa sobrang init, na maaaring magdulot ng pangangati at pamumula.
  8. Bungang-araw. Ang bungang-araw ay resulta ng mga baradong butas sa katawan kung saan dumadaloy ang pawis. Kumikitid o nagbabara ang daluyan ng pawis, o ang “sweat ducts" sa katawan dahil sa labis na init ng panahon, kaya naman lumalabas ang mga pantal na pantal na makakati. Maaari itong lumala kapag kinamot.

Para maiwasan ang mga ito, mahalaga ang pag-inom ng sapat na tubig, ang paggamit ng tamang proteksyon laban sa araw, tulad ng payong, sombrero, at sunscreen, at ang pagpapahinga sa lugar na malamig kapag sobrang init.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!