Tapos na ang mahabang break o leave mo dahil sa Semana Santa kaya sabi nga, "back to regular programming" na, mapa-trabaho man o eskuwela. Tapos na tayo sa mahabang pahinga, pagninilay, o bonding kaya sa mga mahal sa buhay o maging sa sarili.

Para matulungan kang magpokus ulit sa iyong mga responsibilidad, narito ang ilang mga tips na puwede mong gawin (o puwede ring hindi dahil depende na sa mekanismo o choice mo):

1. Gumawa ng plano.

Ang unang hakbang ay ang paggawa ng plano. I-organisa ang mga gawaing kinakailangan mong tapusin at itala ito sa isang to-do list. Pag-isipang mabuti ang mga deadline at mga kailangang unahin o tapusin para sa linggo na ito. Ang plano ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng klarong direksyon kung paano simulan ang pag-aaral o trabaho.

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

2. Maglaan ng oras sa pag-aaral o mga detalyeng nabinbin sa trabaho.

Kung ikaw ay mag-aaral, siguraduhing walang abala at walang distractions masyado (o kung kaya naman, totally wala, posible ba?) Kung ikaw ay nagtatrabaho, i-allocate ang oras sa mga task at gawain mo nang may kasamang breaks para hindi masyadong pagod. Huwag kalimutang maglaan ng oras para sa pahinga at katawan, upang mapanatili ang iyong productivity.

3. Tanggalin ang mga sabagal o distractions.

Kung ikaw ay nag-aaral o nagtatrabaho mula sa bahay, tiyaking ang iyong paligid ay malinis at maayos. Iwasan ang mga distraksyon tulad ng social media, TV, o mga tawag mula sa mga kaibigan. Kung kailangan, gamitin ang mga apps o extensions na nagbibigay ng focus mode para sa iyong computer o smartphone. Isipin mo, halos isang linggo mo namang ginawa iyan, at anumang labis o sobra ay nakasasama rin.

4. Hatiin o i-break down ang mga gagawin.

Hatiin ang mga malalaking gawain sa mas maliit na bahagi upang hindi ka mabugbog ng dami ng trabaho. Madaling simulan ang mga maliit na gawain at ito ay makakatulong sa iyong magkaroon ng momentum.

5. Ikondisyon ang katawan, kaisipan, at damdamin.

Ang pag-aalaga sa iyong kalusugan ay mahalaga para sa pagiging produktibo. Kumain ng masustansya at sapat na pagkain, uminom ng sapat na tubig, at mag-ehersisyo pa rin nang regular. Huwag na ring magpuyat pa, matulog na kaagad. Huwag kalimutang maglaan ng oras para sa iyong sarili at sa iyong mga pamilya at kaibigan para sa emotional at mental well-being.

6. Balikan ang notes o mga tala.

Huwag kalimutang maging handa sa pag-aaral o trabaho. Magbasa ng mga kailangan mong aralin at balikan ang mga notes na ginawa mo bago ang leave o holiday break. Ang pagiging handa ay makakatulong sa iyo na maging mas komportable sa mga gawain mo.

7. Makiusap o alamin kung may adjustment sa deadlines.

Kung ikaw ay nahihirapan, huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong mula sa mga kaibigan, pamilya, o mga boss o guro mo. Ang kanilang suporta at mga payo ay maaaring makatulong sa iyo na mag-focus muli. Kung hindi naman napakiusapan, ganoon talaga. Huwag sasama ang loob. Walang magagawa kundi gawin at tapusin ang nakatakdang gawain lalo na kung may sinusunod na deadline ang lahat.

Ang pag-adjust matapos ang mahabang Holy Week break ay talaga namang medyo mahirap gawin lalo na kung maraming haharapin sa paaralan o trabaho. Ngunit, huwag kalimutang balikan ang iyong mga layunin at bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito. Sa pamamagitan ng disiplina at determinasyon, makakamit mo ang iyong mga layunin sa trabaho o pag-aaral.