Umakyat na sa 40 ang nasawi dahil sa tumataas na kaso ng pertussis sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.

Sa datos ng DOH, ang bilang ng mga binawian ng buhay ay naitala mula Enero 1 hanggang Marso 16.

Nasa 568 pertussis cases ang naitala ngayong taon, mas mataas kumpara sa 26 na kaso nitong nakaraang taon.

Ang mga nasawi ay mula sa Metro Manila, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Mimaropa (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Western Visayas, at Central Visayas.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

Kinumpirma rin ng DOH na nangunguna pa rin ang Metro Manila sa nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng sakit.

 

 

 

 

Zekinah Elize Espina