Nasa 3.1 milyon pa rin ang backlog sa driver's license cards, ayon sa pahayag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Miyerkules.

Ito ay sa kabila ng pagdating ng isang milyong plastic card para sa driver's license nitong Lunes kasunod na rin ng pagbawi ng Court of Appeals (CA) sa injunction order na inilabas ng hukuman noong 2023.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II sa panayam sa radyo nitong Marso 27, asahan pa ang pagdating ng isang milyong plastic cards sa 3rd week ng Abril at 1.2 milyon naman sa ikalawang linggo ng Mayo.

Aniya, hinihintay pa nila ang bagong supplier para sa delivery ng halos isang milyon pang plastic card.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Nilinaw din ni Mendoza, magbibigay na sila ng printed na driver's license card simula sa Abril 15.

“Ito naman ang bilin ng ating Department of Transportation Secretary Jame J. Bautista na dapat ay may magandang balita na babalikan ang ating mga kliyente pagkatapos ng kanilang mahabang bakasyon,” anang opisyal.

“So I have already instructed our officials down to the regional level to prepare this list of schedules and finish it before Maundy Thursday. Our goal is to start the distribution process of the plastic-printed driver’s license next week,” ani Mendoza.

Sa kautusan ng LTO, ang mga driver's license na mag-e-expire mula Abril 1 hanggang Agosto 31, 2023 at Abril 1 hanggang Abril 30, 2024, kinakailangan nilang mag-renew ng lisensya mula Abril 15 hanggang Abril 30, 2024.

Inatasan din ng ahensya na mag-renew ng lisensya sa Mayo 1 hanggang Mayo 31, 2024 ang mga may hawak ng lisensyang mag-e-expire mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2023 at Mayo 1 hanggang Mayo 31, 2024.

Idinagdag pa ng opisyal na nangangahulugang expired ang mga lisensyang hindi na na-i-renew sa mga itinakdang petsa.