Ipinagdiinan ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS na tuloy ang kaso nila laban kay Anthony Solares, ang sinasabing pumaslang sa golden retriever na si Killua na naging viral sa social media at lalong nagbukas sa ideya ng pagpapalawig ng batas kontra animal cruelty at pagpo-promote naman sa animal welfare.

Sa kanilang Facebook post nitong Lunes, Marso 25, sinabi ng PAWS na dalawang kaso ang balak nilang isampa laban kay Solares, batay na rin sa CCTV footage kung saan nakita kung paano niya hinabol at hinataw ng palo ang aso hanggang sa mamatay ito.

"PAWS is still set to file criminal charges against Anthony Solares for animal cruelty as CCTV footages show that he was the one who chased the dog and even poked Killua while the animal was hiding under a car in order to make it come out so he could beat Killua to death," anila.

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

Bukod dito, kakasuhan din siya sa pagbebenta raw ng karne ni Killua na labag naman sa Republic Act 9482 o Anti Rabies Act matapos magpositibo ni Killua sa rabies.

"PAWS is also filing charges of Anti Rabies Act or RA 9482 violation for engaging in dog meat trade. After killing Killua, Solares brought the dog to a known slaughterhouse and dog meat cooking area. Solares owns a carinderia business which sells meat viands near the dog slaughter area."

Dahil dito, hinikayat nila ang mga taong nakalmot o nakagat ni Killua na magpaturok na ng anti rabies.

"PAWS also calls on any one who may have consumed dogs coming from the area where Killua’s body was found to get post exposure shots. “They are at great risk. Dog meat traders are not only cruel people but pose a serious threat to public health," bahagi ng kanilang post.

MAKI-BALITA: Pinatay na si Killua, positibo sa rabies; Solares, kakasuhan