Hindi pa natatapos ang usapin ng "animal cruelty" matapos mag-viral ang nangyari sa golden retriever na si Killua.

Dalawang liverline shih tzu ang tinapyasan o pinutulan ng mga tenga ng hindi natukoy na salarin sa Barangay 8, Bagumbayan, Legazpi City noong Marso 20, matapos looban ang kanilang bahay.

Mababasa sa Facebook post ni Maris Icleo Aguilar ang kalunos-lunos na kinasapitan ng kaniyang mga alaga.

"Maaraman k sana na ika talaga ang nag sakat digdi na yudepota ka.dae ka sako sasantuhon na hayupan ka!!!c luse mna sana kota pinutol mo.ta wara ka man kamogtakan na tawo na adik ka hayup ka!!!!!ta kung toltol utak m nag habas kana sana kota kung ano mamuyahan m na gamit bako c ayam k pa ang kinastahan m na depota ka!! Dae lamang ako natatakot saimo humampang ka lang sako na hayupan ka.na lintian ka..masiramon ka gotgotan man k talinga pati hinangos na hayupan ka....siguro c dowang talinga kang ayam k siniba m ta dae k baga nakukua.." mababasa sa caption ng post, kalakip ang mga larawan ng dalawang aso.

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

Salaysay ni Maris na iniulat ng TV Patrol, umalis sila ng madaling-araw ng araw na iyon, at pagbalik nila sa hapon ay nabungaran na nilang nanghihina ang mga alaga. Doon na nila napansing putol na ang isang tenga ng isang asong si Luna habang si Bonbon naman ay dalawa, na parehong 10 months old.

Sa tingin ni Maris ay may nagtangkang manloob sa kanilang bahay, at nang walang makitang posibleng manakaw, napagdiskitahan ang mga alagang aso na maaaring tinahulan sila.

Hindi raw titigil si Maris hangga't hindi nahahanap ang salarin sa nabanggit na pamumutol ng tenga.

"Palakas kayo mga babies ko.love na love ko kayo.d tayo titigil na d mahanap ang nag putol ng mga tenga ninyo," ani Maris sa isa niyang Facebook post.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang updates kung nahanap na ba ang salarin.