Nanawagan si Senador Grace Poe na palawakin at palakasin ang batas laban sa pagmamalupit sa mga hayop dahil sa karahasang patuloy na dinaranas ng mga ito.

Sa kaniyang privilege speech nitong Martes, Marso 19, sinabi ni Poe na ang pang-aabuso sa hayop ay hindi lang umano limitado sa matinding pananakit sa mga ito.

“Animal abuse can be committed not just by extreme violence or torturing for sadistic pleasure but also through simple neglect and abandonment,” saad ng senadora.

Pinaalala niya sa kaniyang mga kapuwa-mambabatas ang tungkulin nila sa pagpapaigting ng umiiral na batas hinggil sa kapakanan ng mga hayop sa pamamagitan ng pagpapabuti sa kondisyon ng pamumuhay ng mga ito.

Matatandaang sa parehong nabanggit na petsa ay nag-trending ang #JusticeForKillua matapos i-post sa Facebook ng fur parent na si “Vina Rachelle” ang naturang nangyari sa kaniyang minamahal na fur baby.

MAKI-BALITA: : #JusticeForKillua: Post ng fur mom tungkol sa pinaslang, isinakong fur baby viral na