Usap-usapan sa social media ang Facebook post ng fur parent na si "Vina Rachelle" matapos niyang ibahagi ang nangyari sa kaniyang alagang golden retriever na si "Killua" na natagpuan na lamang nilang nasa sako na, matapos daw paslangin ng isa sa kanilang kapitbahay.

"mahal na mahal ko yan. we found his lifeless body inside a sack 😭😭," caption ni Vina sa kaniyang FB post kalakip ang mga larawan ng alaga noong kasama pa niya ito.

Sa iba pang FB posts, isinalaysay ni Vina ang nangyari at ibinahagi rin ang kopya ng CCTV footage kung saan makikitang hinahabol at tila hinahampas ng isang lalaki ang kaniyang alaga habang nasa kalsada.

Kahayupan (Pets)

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!

Ayon sa post, nakawala sa loob ng kanilang tarangkahan si Killua at hindi na ito nakabalik sa kanila.

Hinanap nila kung nasaan ito subalit patay na nang makita nila at nakasilid na sa sako.

Nang komprontahin nila ang lalaking gumawa umano nito kay Killua, dumepensa ito na muntik na raw itong makagat at pinroktektahan lamang ang sarili.

Katwiran naman ni Vina, hindi ito sapat na dahilan upang patayin ang kaniyang alaga.

"for the information of everyone, hindi yan nakalabas kasi bukas ang gate. the gate was locked. tumaas siya tapos nahulog ata, we don't exactly know what happened. he was probably anxious and stressed, hindi siya sanay sa labas kasi sa loob lang yan ng bahay palagi. kaya, no, hindi namin binuksan yung pinto kaya nakalabas."

"and if nangagat man, it is not enough reason to kill my pet. he was asking for apology, but no sorry could ever replace my baby. he was loved by everyone, and he loves us the same. more than pa nga 😞"

"i'll miss sleeping beside you, my baby. i'll miss taking a shower with you. kasi sasama ka, kasi gusto mo di tayo nag hihiwalay kahit sa pag ligo ko 🥺," aniya.

Dahil dito, trending sa X ang #JusticeForKillua at nanawagan ang mga netizen sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na imbestigahan at papanagutin ang may sala sa pagkamatay ng aso.

Photo courtesy: Screenshot from X