Tiniyak ni Mayor Honey Lacuna na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay kaisa ng national government sa laban kontra tuberculosis (TB).

Sa kanyang paglahok sa pag-obserba ng World TB Day ng Department of Health (DOH) nitong weekend, sa pangunguna ni  Health Secretary Ted Herbosa, gayundin sa paggawa ng bagong world record para sa largest human formation ng baga o lungs, sinabi ng alkalde na, "We in the city government of Manila, express our solidarity as we renew our commitment in combating tuberculosis, a global health challenge affecting millions."

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

"Together, we pledge awareness, advocate for better healthcare access, and support research for improved treatments and prevention methods. Together, let us stand in solidarity with those affected by TB and strive relentlessly towards a world free from this preventable and treatable disease," dagdag pa niya.

Nabatid na maliban sa paggawa ng bagong world record, layunin din ng naturang event na lumikha ng kamalayan tungkol sa TB at maalis ang stigma na nakakabit sa mga nagkakasakit nito.

Sa nasabing kaganapan, na ginawa sa Luneta, Manila, ang bansa sa pamamagitan ng DOH ay nakagawa ng bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking imahe ng human lungs.

Bukod kina Lacuna at Herbosa, dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng iba't-ibang  organizations, Guinness, at iba pa.

Ang proyekto na pinangunahan ng  DOH ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Maynila, United States Agency for International Development, the World Health Organization at ng Philippines Business for Social Progress.

Nahigitan ng Pilipinas ang world record matapos na lahukan ito ng 5,596 indibidwal.