Matapos maisyu ang pagkakaroon ng mga daga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, ilang mga netizen ang nagmungkahing magkaroon daw sana ng "pest control" upang hindi naman nakakahiya sa mga pasaherong lokal at maging sa mga dayuhang turistang nagnanais na bumisita sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Nasa 5 daga, naispatang nagsisigapangan sa sulok ng NAIA

MAKI-BALITA: Pagkatapos ng surot: Daga, nakita rin daw sa NAIA

Ngunit sa Iloilo Science and Technology University sa La Paz, Iloilo City, Iloilo, ang kanilang pest control officer ay hindi lamang basta magaling kundi isang charming at cute din!

Kahayupan (Pets)

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!

Sa eksklusibong pagbabahagi ni Michelle Escrivá sa Balita, ang tinutukoy na pest control officer ay isang pusang nagngangalang "Pareng Pedro."

Batay sa mga kuhang larawang ipinadala niya sa Balita, makikitang may ID pa si Pedro at nakasuot pa ng uniporme. Bukod sa pest control naisipan nilang gawing officer si Pedro upang ipromote na rin ang kanilang adbokasiya tungkol sa animal welfare at responsableng pag-aalaga ng pets, lalo na sa pagkakapon.

"We at ISAT University have a unique story to share: Pareng Pedro, our resident Pest Control Officer, is also a beloved fur ambassador promoting animal welfare and the benefits of responsible pet ownership through kapon (neutering) advocacy," aniya.

"Pareng Pedro's story would resonate with animal lovers and Filipinos concerned about pet welfare 😊," aniya pa.

Matapos mag-viral at pusuan ng mga netizen, biro ng mga netizen ay baka puwedeng ipag-duty o i-assign si Pedro sa NAIA para mawala na ang mga naispatang daga roon.

"Baka puwedeng dalhin sa NAIA hahaha."

"Ay pede 'yan sa airport hahahaha."

"Dapat mag-alaga rin ng mga pusa ang NAIA hahaha."

"Buti pa sa university may pest control officer tapos cute pa hahaha."

MAKI-BALITA: Cute na ‘pest control officer’ ng isang pamantasan sa Iloilo, pinusuan

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!