Kumakalat ngayon ang isang online petition na nangangalap daw ng pirma para sa pagbabalik ng sinibak na noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc., na blocktimer sa GMA Network.

Ang nabanggit na petisyon ay pinasimulan ng "PROKNOY TV Channel" na nangangalap ng mga lagda para hindi na tuluyang magbabu ang noontime show at maibalik daw ang mahigit 200 empleyadong apektado nito.

May pamagat itong "PIRMA PARA SA TAPE, INC."

"GUSTO NIYO BANG MANATILI ANG TAPE, INC. SA GMA NETWORK?"

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque

Photo courtesy: www.change.org/website

"Ngayong nagtapos na ang Tahanang Pinakamasaya ang noontime show na produksyon ng TAPE, INC. sa GMA NETWORK, INC."

"Nais ba nating mawalan ng trabaho ang mahigit 200 empleyado nito? Hindi."

"Kaya nais po namin kunin ang inyong suporta para manatili sa poder ng GMA NETWORK, INC. ang TAPE Incorporated."

"Tayo na pong pumirma o lumagda para sa layuning ito."

"Maraming salamat po mga Kapuso!"

Nagsimula raw ang inisyatibong ito noong Marso 7, 2024.

Photo courtesy: www.change.org/website

Habang isinusulat ang artikulong ito ay malapit nang mag-200 ang pumirma sa signature drive na ito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng TAPE, Inc. o maging GMA Network tungkol sa kumakalat na petisyong ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.