Mahilig ka bang magsamgyupsal pero mega tipid ka at gusto mo lang sa bahay?

Nagbigay ng nakaaaliw na ideya ang Facebook user na si "Jervid Farnacio" sa online community group na "What's your ulam, pare" kung saan makikita ang kaniyang "Do-It-Yourself" o DIY na samgyupsal sa bahay with a twist.

Sa larawan, makikitang nakahanda na ang mga kagamitang gaya ng kitchen thong, chopsticks, at gunting, pati na ang mga karneng lulutuin nila with matching mushrooms at lettuce pa, pero ang paglulutuan niya ay literal na kawaling ginagamit sa pagprito, sa halip na grilling pan na tipikal na ginagamit sa mga samgyupsalan.

Photo courtesy: Jervid Farnacio via What's your ulam pare (FB)

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Pinoy wok supremacy."

"Naka-kamay dapat ah bawal chopsticks"

"Very brilliant hahaha."

"Isa na namang life hacks ang na-unlock hahaha."

"Oo nga no?"

"sarap naman, magawa nga yan hahaha."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!